Nasangkot na naman ang isang Mitsubishi Montero sa aksidente sa Tutuban Maynila na isinisisi sa Sudden Unintended Acceleration o SUA.
Wasak ang harapang bahagi ng 2011 silver Montero automatic transmission na may plakang TSI- 361 makaraang bumangga sa arko ng Tutuban Center Mall sa kahabaan ng Dagupan Street Huwebes ng hapon.
Nakunan pa ng CCTV ang mabilis na pagharurot ng sasakyan na maswerteng walang taong nasagasaan.
Ayon kay Evelyn Ocray, driver ng Montero, sakay niya ang kanyang mister at palabas na ng parking building ng Dragon 8 Shopping Center nang biglang bumulusok at humarurot ang sasakyan.
Kanya umanong pilit na inaapakan ang preno ng Montero ngunit hindi umano ito kumakagat hanggang sa tuluyan nang mawalan ng kontrol at bumangga sa arko sa kablang kalsada.
Isang stall naman ng mga paninda ang nahagip ng sasakyan ngunit maswerteng nakaligtas ang tindera nito.
Paliwanag ni Ocray, wala pang isang buwan nang ipasok nila sa casa ang sasakyan para sa ‘preventive maintenance’.
Balak namang kasuhan ng mag-asawa ang Mitsubishi dahil sa insidente.
Kanilang hinala, biktima sila ng SUA tulad ng ilan pang mga nagrereklamo laban sa Montero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.