Sa nakalipas na 24 na oras ay nabawasan ang antas ng tubig ng Angat ng 0.45 meters.
Dahil dito, posibleng bukas ng umaga nasa 159-meter level na ang water level sa Angat.
Bahagya namang nadagdagan ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.61 meters kumpara sa 68.49 meters kahapon ng umaga.
Ang Ipo dam ay nadagdagan din at ngayon ay nasa 100.51 meters ang water level.
Nabawasan naman ang water level sa iba pang mga dam gaya ng Ambukao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya.
MOST READ
LATEST STORIES