2 patay, 3 arestado sa buy-bust operation sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2019 - 06:43 AM

Nasawi ang dalawang lalaki habang naaresto naman ang tatlong iba pa sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Bacoor City, Huwebes (June 20) ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Leonard Imas at Narcisso Briggs na kapwa target ng operasyon ng pulisya.

Sinabi ni Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police, miyembro ng isang drug group ang dalawa at palipat-lipat ng pinagtataguan sa mga kalapit na lungsod.

Matagal na umanong isinasailalim sa surveillance ang dalawa matapos magsumbong mismo ang mga residente ng subdivision kung saan sila tumitira na iba-iba ang mukha ng naglalabas masok sa lugar.

Sinabi ni Cabatingan na sa halip na sumuko sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust ay nanlaban ang dalawa kaya sila napatay ng mga otoridad.

Inabutan naman ang tatlong parokyano ng mga suspek na pawang umamin na gumagamit ng shabu.

TAGS: bacoor city, buy bust, cavite, War on drugs, bacoor city, buy bust, cavite, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.