P1.8M na halaga ng hinihinalang shabu nakumpiska sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2019 - 06:24 AM

Aabot sa 1.8 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City.

Ikinasa ang operasyon, Biyernes (June 21) ng madaling araw laban sa 41 anyos na suspek sa Baliwasan Grande.

Sa boarding house kung saan tumutuloy ang lalaking suspek naganap ang transaksyon.

Todo-tanggi naman ang suspek at sinabing siya ay na frame-up lamang.

Ayon kay Barangay Kagawad Cocoy Cobato, wala sa drugs watchlist ng barangay ang suspek pero matagal na itong minamanmanan dahil sa pagtutulak.

TAGS: Illegal Drugs, Radyo Inquirer, War on drugs, Zamboanga, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, War on drugs, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.