Ridge of High Pressure Area iiral sa Luzon ngayong Biyernes
Makakaapekto ang ridge of High Pressure Area (HPA) sa silangang bahagi ng Luzon ngayong araw ng Biyernes.
Sa Pagasa weather forecast ngayong umaga, magkakaroon naman ng partly cloudy to cloudy skies sa Metro Manila na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms.
Nagbabala ang Pagasa na posible ang flash flood at landslides kapag may severe thunderstorms.
Samantala, mahina hanggang katamtaman ang wind speed sa Luzon at Visayas habang ang coastal waters ay mananatiling banayad hanggang katamtaman.
Sa Mindanao, mahina hanggang katamtaman din ang wind speed habang slight to moderate ang coastal waters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.