Lalaki patay sa engkwentro sa Caloocan

By Rhommel Balasbas June 21, 2019 - 04:41 AM

Contributed photo

Patay ang isang lalaki matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Brgy. 179, Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.

Wala pang pagkakakilanlan ang lalaki na sinasabing magnanakaw ng motorsiklo.

Ayon kay Caloocan Police chief Pol. Col. Noel Flores, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo Huwebes ng madaling araw.

Kwento ng nagsumbong na biktima, pauwi na siya nang harangin at tutukan ng baril ng riding in tandem bandang alas-11:20 ng gabi ng Miyerkules sa Dagat-Dagatan Avenue.

Ipinaalarma ng biktima sa mga pulis ang kanyang motorsiklo.

Habang nagsasagawa ng simultaneous anti-criminality and law enforcement operations (SACLEO) ang pulisya, saktong natyempuhan naman ang motor ng biktima.

Nilapitan ng mga pulis ang sakay ng motorsiklo ngunit nagtangkang tumakas at nagpaputok ng baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agad na pagkamatay ng suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ninakaw motorsiklo at isang kalibre .38 na baril.

 

TAGS: caloocan, enkwentro, magnanakaw, motorsiklo, Pol. Col. Noel Flores, riding in tandem, SACLEO, caloocan, enkwentro, magnanakaw, motorsiklo, Pol. Col. Noel Flores, riding in tandem, SACLEO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.