270 pamilya mula Estero de Magdalena ililipat sa Cavite

By Rhommel Balasbas June 21, 2019 - 04:17 AM

PRRC photo

Sinimulan na ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang relokasyon sa 270 pamilyang nakatira sa Estero de Magdalena sa Tondo, Manila.

Layon ng paglilikas sa mga informal settlers na mapabilis ang isinasagawang pagpapaganda at rehabilitasyon sa Manila Bay at Pasig River.

Paghahanda na rin ito ng gobyerno dahil paparating na ang pag-ulan.

Ayon sa PRRC, ililipat ang 270 pamilya sa isang disente ngunit murang pabahay sa Trece Martires City, Cavite.

Malapit umano ang relocaton site sa health centers, eskwelahan, palengke at maging mga mall.

“According to the Nation Housing Authority, they’ll make sure that the relocation site is accessible to health centers, schools, public market and even malls,” ani PRRC Division head George Oliver dela Rama.

Batch by batch ang isinasagawang paglilipat sa mga informal settlers na nagsimula na kahapon, at magpapatuloy ngayong araw, June 21, at sa June 26 hanggang June 27.

Ilan sa mga pamilya ay kusa namang naghakot at naggiba sa kanilang mga bahay.

Samantala, binigyan din ng P18,000 ayuda ang bawat pamilya.

 

TAGS: Estero de Magdalena, manila, Manila Bay, pasig river, prrc, rehabilitasyon, relokasyon, Tondo, Estero de Magdalena, manila, Manila Bay, pasig river, prrc, rehabilitasyon, relokasyon, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.