Ang dayalogo ay magaganap alas-2:00 ng hapon, bago ang Archdiocesan celebration para sa Corpus Christi Sunday o Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon.
Ayon sa chancellor ng Archdiocese of Manila na si Fr. Reginald Malicdem ang engkwentro ni Tagle sa mga kabataan ay bahagi na rin ng selebrasyon ng local church sa ‘Year of the Youth’.
Sa dayalogo ay magkakaroon ng palitan ng tanong sa pagitan ng cardinal at ng mga kabataan.
Ang tema ng dayalogo ay “Kabataan: Tinawag at Biniyayaang maging Alagad ni Kristo upang maging Eukaristiya sa Paglilingkod sa Kanya”.
Susundan ang dayalogo ng isang banal na Misa, alas-3:00 ng hapon, at ng prusisyon ng Blessed Sacrament mula Sta. Cruz Church patungong Manila Cathedral ganap na alas-4:00 ng hapon.
Samantala, ipinagdiriwang ngayon ni Cardinal Tagle ang kanyang ika-62 kaarawan.
Bilang bahagi ng selebrasyon ng birthday ng arsobispo, magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng bloodletting activity.
Tulong ito ng arkidiyosesis sa mga mahihirap na nangangailangan ng dugo at pagpapakita na rin ng pagpapahalaga sa buhay.