Cardinal Tagle makikipagdayalogo sa mga kabataan

By Rhommel Balasbas June 21, 2019 - 04:06 AM

Nakatakdang magkaroon ng dayalogo si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa mga kabataan sa araw ng Linggo, June 23 sa Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament mas kilala bilang Sta. Cruz Church.

Ang dayalogo ay magaganap alas-2:00 ng hapon, bago ang Archdiocesan celebration para sa Corpus Christi Sunday o Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon.

Ayon sa chancellor ng Archdiocese of Manila na si  Fr. Reginald Malicdem ang engkwentro ni Tagle sa mga kabataan ay bahagi na rin ng selebrasyon ng local church sa ‘Year of the Youth’.

Sa dayalogo ay magkakaroon ng palitan ng tanong sa pagitan ng cardinal at ng mga kabataan.

Ang tema ng dayalogo ay “Kabataan: Tinawag at Biniyayaang maging Alagad ni Kristo upang maging Eukaristiya sa Paglilingkod sa Kanya”.

Susundan ang dayalogo ng isang banal na Misa, alas-3:00 ng hapon, at ng prusisyon ng Blessed Sacrament mula Sta. Cruz Church patungong Manila Cathedral ganap na alas-4:00 ng hapon.

Samantala, ipinagdiriwang ngayon ni Cardinal Tagle ang kanyang ika-62 kaarawan.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng birthday ng arsobispo, magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng bloodletting activity.

Tulong ito ng arkidiyosesis sa mga mahihirap na nangangailangan ng dugo at pagpapakita na rin ng pagpapahalaga sa buhay.

 

TAGS: Archdiocese of Manila, bloodletting activity, Corpus Christi Sunday, dayalogo, Kabataan, Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle, Archdiocese of Manila, bloodletting activity, Corpus Christi Sunday, dayalogo, Kabataan, Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.