Mararanasan ngayong Biyernes June 21, ang pinakamahabang araw o longest daylight.
Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, ito ay dahil sa umiiral na summer solstice.
Sa weather phenomenon na ito, nagaganap ang greatest declination ng araw na +23.5 degrees sa tropic of cancer kung saan kabilang ang Pilipinas.
Nararanasan ang daytime sa Pilipinas sa average na 12 oras at 30 minuto pero ngayong Biyernes, tatagal ang daytime ng 13 oras.
Sisikat ang araw ngayong Biyernes alas-5:28 ng umaga at lulubog alas-6:28 ng gabi.
Ayon pa kay Ordinario, ang summer solstice ay hudyat ng pagsisimula ng summer season sa northern hemisphere na nangangahulugan namang pagkakaroon ng pag-ulan sa Pilipinas sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.