Ravena sasama na sa practice ng Gilas

By Len Montaño June 21, 2019 - 03:40 AM

Opisyal nang babalik si Kiefer Ravena sa Philippine national basketball team sa Lunes sa pagsali nito sa practice ng Gilas sa Meralco Gym sa Pasig.

Ito ay kasunod ng 18 buwang suspensyon ni Ravena matapos itong magpositibo sa ipinagbabawal na substance.

Kinumpirma ni coach Yeng Guiao, coach din ni Ravena sa NLEX, na makakasama na nila sa practice ang tinaguriang “Phenom.”

Ayon kay Guiao, matatapos na ni Ravena ang suspensyon nito kapag nagsimula na ang 2019 FIBA Basketball World Cup sa August 30 kaya wala siyang nakikitang problema na kasama ang dating Ateneo star sa Gilas pool.

Malaki ang inaasahan kay Ravena lalo na’t umalis na sa team ang beteranong guard na si Jayson Castro.

Hindi man inaasahang bumalik na ang kanyang peak shape, umaasa si Guiao na inaalagaan ni Ravena ang sarili nito.

 

TAGS: 2019 Fiba Basketball World Cup, banned substance, coach Yeng Guiao, gilas, kiefer ravena, Phenom, positibo, practice, suspensyon, 2019 Fiba Basketball World Cup, banned substance, coach Yeng Guiao, gilas, kiefer ravena, Phenom, positibo, practice, suspensyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.