4 na nawawalang mangingisda, natagpuang patay sa Sorsogon

By Jay Dones December 18, 2015 - 03:36 AM

 

bulan-sorsogon-272x224Natagpuan ang labi ng apat sa limang mangingisdang unang napaulat na nawawala sa lalawigan ng Sorsogon sa kasagsagan ng pagragasa ng bagyong ‘Nona’.

Kinilala ang mga biktima na sina Efren Bien, 42, Escolastico Bolima, 60, Eddie Boy Bredes, 26 taong gulang na natagpuan sa baybayin ng Barangay Makabari sa bayan ng Barcelona at Edwin Bagarino 29, na nakita naman ang bangkay sa Bulusan, Sorsogon.

Patuloy namang pinaghahanap ang isa pang napaulat na nawawala na si Edgardo Bolda.

Una rito, pabalik na sana ang mga mangingisda sa Albay mula sa Catanduanes noong December 6 nang hampasin ng malalakas na alon ang kanilang sinasakyang motorized banca.

Tanging si Roberto Busito ang nakaligtas sa trahedya na maswerteng napadpad sa baybayin ng Barcelona, Sorsogon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.