Ilang local holidays inanunsyo ng Malakanyang

Inaprubahan ng Palasyo ng Malakanyang ang ilang special non-working holidays sa ilang lugar sa bansa.

Special non-working day sa San Carlos City sa Negros Occidental sa July 1, 2019 para sa selebrasyon ng Charter Day.

Wala ring pasok sa probinsya ng Masbate sa June 24, 2019 para sa selebrasyon ng kalayaan sa dagat 2019 festival.

Wala ring pasok sa Koronodal, South Cotabato sa June 29, 2019 para sa selebrasyon ng Tree Growing Festival.

Wala namang pasok bukas, June 21 sa Pagadian Zamboanga Del Sur para sa 50th charter anniversary.

Wala ring pasok sa Balete, Batangas sa June 21 para sa founding anniversary at sa Rosario sa Agusan Del Sur para sa yagi yagi festival of native cultural heritage.

Special non-working day sa Bayugan, Agusan Del Sur para sa 12th charter anniversary at Maasim, Sarangani para sa selebrasyon ng founding anniversary at Kestebeng festival.

Wala ring pasok sa June 21 sa Laurel, Batangas para sa kanilang 50th founding anniversary.

Nakasaad sa proklamasyon na binibigyan ng pagkakataon ng Malakanyang ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na magkaroon ng panahon para makalahok sa ibat ibang aktibidad.

 

Read more...