Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa harapan ng isang gusali sa Araneta Avenue, Barangay Talayan, Quezon City.
Ayon sa residente sa gusali na si Junrey Jordan Cadano, alas 5:00 Huwebes ng umaga nang bumaba siya at nakita ang katawan ng lalaki na nakabulagta, duguan ang ulo at wala ng buhay.
Pero bago ito, nakita pang buhay ang lalaki alas 12:00 ng hatinggabi.
Tinitingnang anggulo ng Quezon City La Loma Police Station 1 na posibleng nagpakamatay o tumalon ang lalaki sa nasabing building.
Patuloy na inaalam ang pagkakilanlan ng lalaki at ang sanhi ng pagkamatay nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.