Ayon kay 1-PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero, stepson ni Garcia, ang cremation ay itinakda alas 11:00 Huwebes ng gabi, ilang oras makalipas ang pagyao ng aktor.
Idinagdag ng kongresista na magkakaroon ng public viewing bukas Biyernes June 21 hanggang Linggo June 23 alas 9:00 ng umaga sa Heritage sa Taguig City.
Nagpasalamat ang pamilya ni Garcia sa lahat ng nakikiramay na anila ay nagpapagaan sa kanilang pagluluksa.
Kinumpirma ni Romero na pumanaw si Garcia alas 4:55 ng hapon araw ng Huwebes sa edad ng 90 makalipas ang ilang araw na pagiging comatose dahil sa severe cervical injury bunsod ng aksidente sa taping para sa programa sa GMA 7.
Bago ang kanyang pagpanaw, pinakahuling mga pelikula ni Garcia ang “Hintayan ng Langit” at “Rainbow Sunset” at ang huling parangal nito ay bilang best actor sa 42nd Gawad Urian awards.
Nagsimula ang showbiz career si Garcia matapos ang World War II kung kailan ang noo’y 21 anyos na dating Philippine Scouts member ay lumabas sa 1950s film na “Siete Infantes de Lara.”