Robredo: Eddie Garcia haligi ng industriya ng TV at pelikula
Nagparating ng pakikiramay si Vice President Leni Robredo sa mga iniwang pamilya at mahal ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.
Sa Twitter, itinuring ni Robredo si Garcia bilang isa sa mga haligi ng industriya ng telebisyon at pelikula.
Hindi rin aniya matatawaran ang naiambag ni Garcia sa sining.
Sinabi pa ni Robredo na hindi matatawaran ang naiwang marka ng kahusayan bilang isang artista.
Pumanaw si Garcia makaraan ang ilang araw na ma-comatose dahil sa severe cervical injury bunsod ng aksidente sa taping sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.