Labis na gastos ng ilang DOJ officials binubusisi na ng COA
Labing-apat na opisyal ng Department of Justice (DOJ) ang pinuna ng Commission on Audit (COA) dahil sa dami ng kanilang byahe noong nakaraang taon at malaking halaga ng gastos nila.
Napuna din ng COA sa inilabas na 2018 audit report na ang mga opisyal na binigyan ng travel allowance ay bigong magpakita ng kaukulang dokumento sa mga ginastos nila.
Kinuwestyon din nila na karamihan sa mga events at meetings ng mga opisyal sa ibang bansa ay dinaluhan din ng iisang participants habang ang iba ay lagi ng dinadaluhan ng iisang participants.
Bukod dito napansin din ng COA na binili ng DOJ ang tiket sa iisang travel agency at gumastos din sila sa tiket ng halagang P1 Million ng walang kasunduan sa pagitan nito at ng Procurement Service-Department -Budget Management Government Fares Agreement.
Gumastos din umano ang DOJ ng P5,550,149.44 para sa 23 klase ng meetings para sa isang dialogue kung saan lima sa participants ay pinadala doon.
Sa kabilang banda mayroong P771,643.30 na gastos ang hindi nasuportahan ng mga resibo at iba pang dokumento para sa liquidation .
Katwiran naman ng DOJ ang partisipasyon ng mga opisyal ng DOJ ay may kaugnayan sa pagdalo nila sa Association of South East Asian Nations at ilang treaties o international agreement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.