Eddie Garcia namatay na sa edad na 90

By Den Macaranas June 20, 2019 - 05:33 PM

File photo

Namatay na ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa edad na sa 90.

Ito ay makaraan ang ilang araw matapos siyang ma-comatose sa isang aksidente habang nasa kalagitnaan ng isang shooting sa Tondo, Maynila.

Ayon sa medical bulletin 6 na inilabas ng Makati Medical Center, namatay si Garcia kaninang 4:55 ng hapon makaraan siyang dumanas ng spine injury noong June 9.

Ang nasabing medical bulletin ay nilagdaan nina Dr. Artemio Cabrera Salvador na siyang Division Head ng Patients Relations – Quality Management Division at Dr. Johnny Sinon na siyang medical director ng Makati Medical Center.

Sa pamamagitan naman ng pahayag sa social media ay kinumpirma rin ng family friend na si Bibeth Orteza ang nasabing balita.

Kasama ni Garcia sa kanyang silid sa intensive care unit ng ospital ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Nauna dito ay isinailalim sa “DNR” o Do Not Resuscitate status ang aktor makaraan siyang hindi na magkamalay makaraan ang nasabing aksidente.

Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya sa magiging detalye ng burol at libing ng beteranong aktor.

Si Eddie Garcia o Eduardo Verchez Garcia sa tunay na buhay ay ipinanganak noong May 2, 1929 sa Juban, Sorsogon.

TAGS: comatose, eddie garcia, icu, makati medical center, spine injury, Tondo, comatose, eddie garcia, icu, makati medical center, spine injury, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.