Piñol: Mga Pinoy na mangingisda na nasangkot sa Recto Bank incident hindi tinakot

By Angellic Jordan June 20, 2019 - 04:47 PM

BFAR photo

Iginiit ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi hinikayat ang dalawampu’t dalawang mangingisdang Filipino na magbago ng salaysay sa insidente sa Recto Bank.

Sa isang panayam, sinabi ni Piñol na hindi siya makapangyarihan para baguhin kung ano ang pinaninindigan ng mga mangingisda.

Kumalat kasi ang ispekulasyon matapos sabihin ni Junel Insigne, kabilang sa mga mangingisda sa F/B Gem-Ver 1, na hindi siya tiyak kung sinadya ang pagbangga ng Chinese vessel.

Dahil dito, hinamon ng kalihim ang mga kritiko na personal na kausapin ang mga mangingisda.

Dagdag pa ni Piñol, wala siyang kinalaman sa pag-deploy ng mga pulis sa lugar kung kailan nakipagpulong siya sa mga mangingisda.

Sinabi pa ni Piñol na ang maritime investigation ang solusyon para malaman ang mga totoong detalye sa insidente.

TAGS: China, duterte, gemver 1, pinol, Recto Bank, China, duterte, gemver 1, pinol, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.