Lady cop na binastos at sinaktan ng sinibak na EPD chief bibigyan ng abogado ng PNP
Magbibigay ng abogado ang Philippine National Police (PNP) sa babaeng pulis na nakaranas ng physical at verbal abuse mula kay Eastern Police District (EPD) Brig. Gen. Christopher Tambungan.
Ayon kay PNP chief, Gen. Oscar Albayalde, handang magbigay ng legal assistance ang kanilang hanay sakali mang maghain ng kasong kriminal si Cpl. April Santiago laban kay Tambungan.
Sa kuha ng CCTV camera, makikitang nakasakay si Tambungan sa kaniyang sasakyan nang tamaan sa ulo si Santiago.
Binangga pa umano ni Tambungan si Santiago ng pinto ng kotse habang nagbibitaw ng masasakit na salita laban dito.
Nag-udyok umano kay Tambungan na gawin ito makaraang hindi magawa ni Santiago ang utos nito.
Sinabi naman ng PNP chief na hindi pa niya napapanood ang naturang video.
Kung may sapat na ebidensiya, inihayag ni Albayalde na itutuloy ng PNP ang kasong administratibo laban kay Tambungan sakaling hindi magsampa ng kasong kriminal si Santigao laban dito.
Dagdag pa ng PNP chief, papatawan ng parusa si Tambungan depende sa magiging resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.