Drug suspect patay sa barilan sa loob ng sementeryo sa Nueve Ecija

By Angellic Jordan June 20, 2019 - 03:41 PM

Inquirer file photo

Dead-on-the-spot ang isang hinihinalang drug suspect sa shootout na naganap sa loob ng sementeryo sa General Mamerto Natividad, Nueva Ecija araw ng Huwebes.

Ayon kay Capt. Ronnie Caagbay, hepe ng General Mamerto Natividad police station, kinilala ang drug suspect na si Ronald Grevialde, residente ng Barangay Platero.

Si Grevialde ay kabilang sa most wanted personalities dahil sa umano’y pagkakasangkot sa serye ng pagnanakaw.

Ani Caagbay, nakipagkita si Grevialde sa customer na isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon bandang ala kwarenta ng madaling-araw.

Nang matunungang pulis ang katransaksyon, nagpaputok ng baril ang suspek laban sa mga otoridad.

Gumanti ng putok ng baril ang mga pulis dahilan para sa agarang pagkasawi nito.

Samantala, nakatakas naman sa operasyon ang kasama ni Grevialde.

TAGS: drugs, natividad, nueva ecija, PNP, tokhang, drugs, natividad, nueva ecija, PNP, tokhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.