Sa isinagawang briefing sa Kamara na pinangunahan ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ipinresenta ng NEDA ang proyekto na naglalayong gawing accessible ang Pampanga, pag-ibayuhin ang connectivity sa urban center, residential, commercial at industrial centers.
Gagamit ito ng Smart Technology System para panatilihing makakalikasan ang probinsya at epektibong fare collection system.
Paliwanag ni Dr. Hussein Lidasan, sinusuri na nila ang mga major road networks na pagdudugtungan ng mass transit system at inaalam na rin kung anong mga ruta kadalasang mas marami ang mga pasahero.
Batay sa Megalopolis Plan, labinganim na munisipalidad at lungsod sa Pampanga ang seserbisyuhan ng transit system kabilang na ang Clark at posibleng ang tatlong major stations ay itatayo sa Apalit, San Fernando at Angeles.
Ilan sa mga ikinokonsiderang plano ay ang pagtatayo ng light o medium rail system na pakikinabangan ng hanggang 750,000 na pasahero at bus rapid transit system.