Pagtatayo ng mass transport system sa Pampanga pinag-aaralan na ng NEDA

By Erwin Aguilon June 20, 2019 - 01:05 PM

Pinag-aaralan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagtatatag ng mass transit system sa Pampanga na inaasahang tutugon sa nararanasang mabigat na trapiko sa Metro Manila at magpapaunlad sa mga karatig-lalawigan.

Sa isinagawang briefing sa Kamara na pinangunahan ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ipinresenta ng NEDA ang proyekto na naglalayong gawing accessible ang Pampanga, pag-ibayuhin ang connectivity sa urban center, residential, commercial at industrial centers.

Gagamit ito ng Smart Technology System para panatilihing makakalikasan ang probinsya at epektibong fare collection system.

Paliwanag ni Dr. Hussein Lidasan, sinusuri na nila ang mga major road networks na pagdudugtungan ng mass transit system at inaalam na rin kung anong mga ruta kadalasang mas marami ang mga pasahero.

Batay sa Megalopolis Plan, labinganim na munisipalidad at lungsod sa Pampanga ang seserbisyuhan ng transit system kabilang na ang Clark at posibleng ang tatlong major stations ay itatayo sa Apalit, San Fernando at Angeles.

Ilan sa mga ikinokonsiderang plano ay ang pagtatayo ng light o medium rail system na pakikinabangan ng hanggang 750,000 na pasahero at bus rapid transit system.

TAGS: mass transport, neda, Pampanga, mass transport, neda, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.