Prangkisa ng radio station ni El Shaddai leader Mike Velarde pinalawig pa ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act number 11303 na nagpapalawig pa ng 25 taon sa prangkisa ng Delta Broadcasting System Incorporated.

Ang Delta Broadcasting ay ang radio station na DWXI 1314khz ng El Shaddai leader na si Mike Velarde.

Sa ilalim ng batas, pinapayagan ang Delta Broadcasting na mag-establish, maintain at mag-operate ng ng radio at television broadcasting stations sa Pilipinas.

Pinapakuha na lamang ang Delta Broadcasting ng mga kaukulang permit sa Mational Telecommunications Commission (NTC).

April 17 pa inaprubahan ng pangulo ang prangkisa ng Delta Broadcasting subalit ngayon lamang inilabas ng Malakanyang ang dokumento.

Matatandaang isa si Brother Mike Velarde sa mga sumuporta sa kandidatura ni Pangulong Duterte noong 2016 presidential elections.

Read more...