Ayon kay Bureau of Immigration (BI) chief Jaime Morente, sisimulan na ang deportation proceedings laban sa mga dayuhan.
Ang 35 dayuhan ay nadakip sa isang construction site sa Parañaque City.
Sinabi ni BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr. na nahuli sa akto ang mga dayuhang Chinese na nagsasagawa ng tile setting, finishing works, wood works, at iba pang construction activities.
Malinaw umano itong paglabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa dahil ang mga dayuhan ay pinagbabawalan na masangkot sa manual labor.
Sangkot sa pagkuha sa nasabing mga dayuhan bilang trabahador ang dalawang construction companies.