Viral post hinggil sa pumangit na larawan ng isang motorista sa kaniyang driver’s license, peke ayon sa DOTr
Malisyoso at walang katotohanan ang viral post na nagpapakitang pumangit ang larawan sa driver’s license ng isang motorista.
Nanawagan na ang Department of Transportation (DOTr) sa admin ng Facebook Page na “Pinoy History” na i-takedown ang naturang post dahil ito ay peke umano.
Ayon sa DOTr, nakausap na nila ang may-ari ng orihinal na post at mismong ito ang nagsabi na ginamitan ng app na “Photo Warp” ang larawan kaya nabago.
Bagaman nakakatawa para sa ilan, sinabi ng DOTr na maituturing na mapanira ang post na ito lalo na sa integridad ng Land Transportation Office (LTO).
Pakiusap ng DOTr, huwag nang ipakalat o ibahagi ang naturang post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.