NGCP nagpaabiso na ng rotational brownout sa Luzon kasama ang Metro Manila dahil sa red alert sa Luzon Grid

By Dona Dominguez-Cargullo June 20, 2019 - 09:51 AM

Nag-abiso na ng rotational brownout ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa abiso ng NGCP, ang unang oras ng pagpapatupad ng rotational brownout ay alas 10:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga.

Apektado ilang ang bahagi ng mga sumusunod na lalawigan:

– Ilocos Norte
– Zambales
– Quezon
– Camarines Sur
– at maging ilang bahagi ng Metro Manila

Ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon ay muling iiral ang red alert kaya inaasahan ang pagpapatupad pa ng rotational brownout sa nasabing mga oras.

TAGS: brownout, Manual Load Dropping, ngcp, Radyo Inquirer, brownout, Manual Load Dropping, ngcp, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.