Driver patay matapos bumaligtad ang minamanehong loader sa GenSan

By Dona Dominguez-Cargullo June 20, 2019 - 08:30 AM

Nasawi ang isang driver makaraang bumaligtad ang minamaneho nitong loader as isang quarry site sa General Santos City.

Nakilala ang biktima na si Arante Dadivas na nagtatrabaho sa quarry site sa Brgy. Tinagacan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkakarga ng buhangin ang biktima sa isang stockpile na ang taas ay 50 feet.

Pero namatay bigla ang makina ng loader habang pababa ang sasakyan kaya nawalan ng kontrol dito ang driver.

Tuluyan nang nahulog ang loader sa gilid ng stockpile at bumaligtad ang sasakyan.

Inabot pa ng halos dalawang oras bago nakuha si Dadivas mula sa pagkakaipit.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay.

TAGS: accident, General Santos City, loader, accident, General Santos City, loader

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.