Ikinasa ang buy-bust operation laban sa tatlo sa Camaro Street at nang magpositibo ay dinakip na ang mga ito.
Ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Gabriel ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5, sa loob mismo ng kotse nangyayari ang transaksiyon ng tatlo.
Isang bag naman ang narecover sa lalaking nasa driver’s seat at nang busisiin ng mga otoridad ay may nakitang 5 plastic sa loob nito na may lamang hinihinalang shabu.
Sa kabuuan aabot sa 70 gramo ang bigat ng mga nakumpiskang ilegal na droga na ang halaga ay P468,000 o halos kalahating milyong piso.
Ayon kay Gabriel, maliban sa Quezon City ay nagsu-suplay din ng legal na droga sa Marikina ang mga suspek.