7 arestado sa buy-bust operation sa QC; P100K halaga ng shabu nakumpiska

By Dona Dominguez-Cargullo June 20, 2019 - 06:44 AM

Arestado ang pitong katao at nakumpiska ang aabot sa P100,000 halagang ng ilegal na droga sa buy bust operation sa Brgy. Bahay Toro sa Quezon City.

Target ng operasyon si Alyas Jerry na kilalang tulak ng ilegal na droga.

Nabatid na si Jerry ay dati na ring nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Nagawa ng poseur buyer na makabili ng P500 halaga ng shabu sa suspek.

At nang pasukin ang isang paupahang bahay ay nahuli ang pito kasama ang ang isang buntis.

Naaktuhan pa ang mga suspek na nagtatarya ng ilegal na droga.

Aabot sa 20 sachet ng shabu ang nakumpiska sa kanila.

TAGS: buy bust, quezon city, Radyo Inquirer, buy bust, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.