LPA sa labas ng bansa posibleng maging bagyo; papasok sa PAR sa Sabado

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,385 kilometers east southeast ng Mindanao.

Nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang LPA.

Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, dahil malayo pa, wala pang epekto sa bansa ang nasabing LPA.

Pero sa Sabado ay inaasahang papasok na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at magiging isang bagyo.

Sa sandaling maging ganap na bagyo habang nasa loob ng bansa ay papangalanan itong Dodong.

Samantala, apektado ng ridge ng high pressure area ang Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ay aasahan ang mainit at maalinsangang panahon at magkakaroon lamang ng pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Read more...