Maagang pagpapatupad ng water interruption ng Maynilad at Manila Water iniimbestigahan
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kung bakit mas maagang nagpatupad ang Maynilad at Manila Water ng service interruption kaysa sa inanunsyo nila sa publiko.
Sinabi ni MWSS chief regulator Patrick Ty, dinagsa sila ng reklamo tungkol sa kawalan ng tubig kahit wala pa namang abiso ang water concessionaires.
Ilan sa mga unang naapektuhan ay mga taga-Quezon City at Mandaluyong.
Isa sa mga inaalam ay kung dapat bang patawan ng multa ang Maynilad at Manila Water bunsod ng pangyayari.
Paliwanag ni Manila Water Communications Manager Dittie Galang, kinailangang ipatupad agad ang water interruptions dahil binawasan na ang kanilang suplay ng tubig mula sa Angat Dam Martes pa lang ng hapon.
Ang water interruptions ng dalawang concessionaire ay isang hakbang upang matipid ang tubig dahil malapit na sa 160-meter critical level for domestic use ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.