Food Tech graduate kauna-unahang Summa Cum Laude ng UP Mindanao
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatapos ang isang Summa Cum Laude sa University of the Philippines Mindanao (UPMin).
Sa isang pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ng UP Mindanao na magtatapos ang Food Technology student na si Pete Maverick Nicole Estudillo ng may pinakamataas na karangalan.
Mayroong average grade na 1.1971 si Estudillo, pinakamataas na grado na naitala sa unibersidad mula nang maitatag ito taong 1995.
Pangungunahan ni Estudillo ang 352 candidates for graduation at 93 iba pang estudyante na magtatapos ng may parangal kung saan 13 ay magna cum laude at 80 ay cum laude.
Ang kanyang karangalan ay tinawag naman ni Estudillo na isa lamang ‘bonus’ at hindi anya ito para sa kanya kundi para sa UP Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.