NLEX tinalo ang Meralco para sa unang panalo sa PBA

By Len Montaño June 20, 2019 - 04:13 AM

Photo by Tristan Tamayo, Inquirer.net

Sa wakas ay nanalo na ang NLEX sa 2019 PBA Commissioner’s Cup matapos talunin ang Meralco sa score na 100-91.

Dahil sa panalo ay posible pa ring targetin ng Road Warriors ang playoffs.

Gumawa si NLEX import Tony Mitchell ng 32 points at 19 rebounds.

Pinangunahan nito ang unang panalo ng koponan sa loob ng pitong laban.

Pero kailangan pang manalo ng NLEX sa natitirang laro nito para hindi malaglag sa PBA.

Samantala, pangatlong talo naman ito ng Meralco na tinambakan pa ang NLEX ng 23 puntos ang kalaban.

Pero nadiskaril ang Bolts nang gumawa si Mitchell ng limang sunod na puntos.

Mula naman sa bench ay gumawa si Jericho Cruz ng 16 points para sa Road Warriors.

 

TAGS: 2019 PBA Commissioner's Cup, Bolts, meralco, NLEX, pba commissioner's cup, playoffs, Road Warriors, 2019 PBA Commissioner's Cup, Bolts, meralco, NLEX, pba commissioner's cup, playoffs, Road Warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.