Phivolcs: ‘The Big One’ posible ring mangyari sa ibang bahagi ng bansa

PHOTO by Tristan Tamayo/INQUIRER.net

Nilinaw ng Phivolcs na ang kinakatakutang “the big one” ay hindi lang para sa Luzon.

Ayon kay Ma. Mylene Villegas, ang “the big one” ay posible ring mangyari sa ibang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng Phivolcs, dahil sa walang paggalaw ang mga fault sa bansa ay posible umanong magkaroon ng malakas na pagyanig.

Dahil dito, muling magsasagawa ng national simultaneous earthquake drill.

Sa Bayugan, Agusan del Sur gagawin ang ceremonial pressing of the button na magiging hudyat ng drill dahil mayroon itong malaking fault na tinatawag nilang Esperanza fault.

 

Read more...