Special investigating teams sa pagpatay sa 3 human rights advocates bubuuin
Inutos ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagbuo ng dalawang special investigating teams (SIT) kaugnay ng pagpaslang sa tatlong human rights advocates sa Bicol Region.
Ayon kay DOJ Undersecretary Mark Perete, ang direktiba ay mula mismo sa kalihim sa bisa ng Administrative Order No. 35.
Iimbestigahan ng dalawang grupo ang kaso at kung ano ang motibo sa pagpatay kina Ryan Hubilla at Nelly Bagasala, mga diumano’y miyembro ng grupong Karapatan sa Sorsogon noong June 15.
Tututukan din ng team ang pagkitil sa buhay ng dating Bayan Muna Bicol Regional Coordinator na si Neptali Moraga na pinaslang naman noong June 17 sa Camarines Sur.
Ang mga Piskal naman na itininalaga ay kailangang magsumite ng ulat sa Kalihim sa loob ng 30 araw ng pagkakatatag ng SIT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.