LPA sa Silangan ng Mindanao, posibleng maging bagyo

Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa kasalukuyan.

Sa pinakahuling advisory ng weather bureau, namataan ang sama ng panahon sa layong 1,440 kilometro Silangan ng Mindanao.

Hindi tinatanggal ng PAGASA ang posibilidad na maging bagyo ang LPA dahil nasa katubigan pa ito at maaaring makaapekto sa ilang bahagi ng bansa.

Posible ring pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa weekend.

Samantala, patuloy na makararanas ng mainit na maalinsangang panahon ang halos kabuuan ng bansa.

Ang Luzon ay apektado ngayon ng ridge of High Pressure Area (HPA) na magdadala ng mainit na panahon ngunit may posibilidad ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Maalisangan din ang panahon sa Visayas at Mindanao kung saan posibleng maitala ang 34 hanggang 35 degrees Celsius na temperatura sa ilang lugar.

 

Read more...