Robin Padilla sa paglubog ng bangka ng mga mangingisdang Pinoy: ‘Wag nang palakihin’

By Len Montaño June 20, 2019 - 02:10 AM

Isa ang aktor na si Robin Padilla sa mga artistang nagbigay ng komento ukol sa paglubog ng bangka ng mga Pilipinong mangingisda matapos mabangga ng barko ng China sa Recto Bank.

Sa Facebook ay idinaan ni Padilla kung ano ang opinyon niya sa pangyayari.

Sa kanyang video ay sinabi ng aktor na suportado niya ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyari.

Binanggit ni Robin ang sinabi ng Pangulo na hindi dahilan ang pangyayari para makipag-giyera ang bansa sa China.

Sensitibo anya ang isyu kaya mahirap na nagmamatapang ang publiko at idadamay ang buong bansa.

“Sinabi ng ating mahal na pangulo na hindi yun dahilan para tayo ay makipag-giyera sa China at tayo’y matunaw na…Kaya napakasensitibo po yan na topic, mahirap po diyan na nagmamatapang tayo at idadamay natin ang buong bayan…” pahayag ng aktor.

Gaya ng posisyon ng Pangulo, sinabi ni Padilla na huwag na lamang palakihin ang pangyayari.

Hindi na anya dapat idamay ang militar at kung sino na lang ang matapang ang siyang pumunta sa Recto Bank.

“Wag nalang ho natin palakihin. Siguro katulad ho ng sinasabi ko nung araw, kung sino yung matatapang, eh sila nalang yung pumunta dun…Wag na natin idamay pa yung Armed Forces, yung Pilipinas. Sarili nalang ninyong sikap kung talagang matapang kayo, edi patunayan niyo dun…” dagdag ni Padilla.

Sa kanyang video ay binaggit din ni Padilla ang sinabi ni Bruce Lee sa pelikulang “Enter the Dragon” na ang “the art of fighting without fighting.”

Tama anya ang sinabi ng martial arts star na pwede namang makipaglaban nang hindi nakikipag-laban at kailangang utak muna ang pairalin, bagay kung saan magaling anya ang Pangulo.

Dagdag ng aktor, hindi tatagal ng isang araw ang bansa at dapat na lumaban lamang ang mga Pinoy kung sila ay sinakop.

TAGS: banggaan, Bruce Lee, Recto Bank, Robin Padilla, Rodrigo Duterte, wag nang palakihin, banggaan, Bruce Lee, Recto Bank, Robin Padilla, Rodrigo Duterte, wag nang palakihin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.