Sinadya o aksidente? Kapitan ng bangka nagbago ng tono sa nangyari sa Recto Bank

By Len Montaño June 20, 2019 - 01:38 AM

Credit: Sec. Manny Piñol

Nagbago ng tono ang kapitan ng bangkang pangisdang Pilipino na lumubog sa Recto Bank matapos mabangga ng barko ng China.

Matapos ang pulong kay Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi na sigurado ngayon ang kapitan ng Gem-ver 1 kung sinadya o aksidente ang nangyari noong June 9.

Kung dati ay sigurado si Junel Insigne na sadyang binangga ng barko ng China ang kanilang bangka, sinabi na ng kapitan na hindi na niya tiyak ang pangyayari.

Sa pagharap ni Insigne sa media matapos ang pulong kay Piñol sa Occidental Mindoro, tinanong ito kung naniniwala pa rin siya na sinadya ang pagbangga ng barko ng China sa kanilang bangka.

Ayon sa kapitan, hindi na niya sigurado kung sinadya ang pagbangga o hindi.

“Naguguluhan po ako eh,” sagot ni Insigne habang nakayuko. “Parang binangga, parang sinadya, parang hindi rin eh.”

Pero sinabi ng kapitan na ang tiyak niya ang pag-abanduna sa kanila ng crew ng barko ng China.

Ilang oras na nagpalutang-lutang sa karagatan ang 22 mangingisdang Pilipino bago sila nasagip ng mga mangingisdang Vietnamese.

“‘Yun po talaga ang sinadya nila, ‘yung pag-iwan nila sa amin,” dagdag ni Insigne.

Ayon naman kay Piñol, hindi magkasundo ang mga mangingisda kung sinadya nga ba o aksidente lang ang nangyari.

“Kanina sa pag-uusap namin, they came up with a position. Number one, hindi nila matukoy ‘yung intentional o accidental ang pangyayari sapagkat ayon kay Richard Blaza, posibleng hindi sila nakita nung barko ng Intsik. Ayon naman sa ibang tripulante, posible intentional,” ani Piñol.

Pero nagkasundo anya ang mga ito na ang cook na si Ricahard Blaza ang nagbigay ng pinaka-“reliable” at “credible” na testimonya kung ano talaga ang nangyari dahil ito lamang ang gising bago ang pagbangga.

Iginiit ng kalihim na kailangan ang pormal na imbestigasyon. Mahalaga anya ang pahayag ng mga mangingisda matapos ang pagbangga pero kung ano ang nangyari bago ang pagbangga ay ang sinabi lamang ng cook ang maaasahan.

 

TAGS: Agriculture Secretary Manny Piñol, aksidente, barko ng China, cook, credible, hindi na sigurado, Junel Insigne, kapitan, nagbago ng tono, pagbangga, Recto Bank, reliable, sinadya, Agriculture Secretary Manny Piñol, aksidente, barko ng China, cook, credible, hindi na sigurado, Junel Insigne, kapitan, nagbago ng tono, pagbangga, Recto Bank, reliable, sinadya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.