Ang water interruption ay simula alas 4:00 ng hapon ng Miyerkules (June 19) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Huwebes.
Apektado ng water interruptions ang mga customers ng Maynilad sa Quezon City; Valenzuela; Caloocan; Malabon; Navotas; Manila; Pasay; Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas at Bacoor at Imus sa Cavite.
Ang hakbang ng Maynilad ay kasunod ng pagbawas sa alokasyon ng tubig ng National Water Resources Board (NWRB) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) bunsod ng pagbagsak ng water level sa Angat Dam.
Nais ng Maynilad na ma-maximize ang limitadong supply ng tubig at matiyak na may supply ng tubig ang kanilang customers kahit ilang oras lamang kada araw.
Ayon sa kumpanya, pinalawig nila ang operating hours ng kanilang pumping stations at reactivation deep wells para makatipid ng tubig.
Magpapadala ang Maynilad ng mobile tankers at maglalagay sila ng static water tanks sa mga pinaka-apektadong lugar.
Muling hinikayat ng Maynilad ang kanilang customers na mag-igib kapag may supply ng tubig.
Una nang nagpayo ang Maynilad na bisitahin ang kanilang social media accounts para sa advisories.