Lacson: Duque may-ari ng gusaling nirerentahan ng PhilHealth sa Pangasinan

By Angellic Jordan June 19, 2019 - 11:54 PM

Ibinunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na pag-aari ni Health Secretary Francisco Duque III ang isang gusali na nirerentahan ng regional office ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Pangasinan.

Sa isang press forum sa Pasay City, sinabi ni Lacson na mayroon siyang kopya ng lease contract ng gusali sa Tapuac district sa Dagupan City.

Makikita pa aniyang nakapirma sa kontrata ang kapatid na babae ni Duque.

Kung hindi man aniya ito conflict of interest, nakapagtataka na pag-aari nito ang gusali, kasama sa lease contract at isa itong family, educationl at medical development corporation habang nagsisilbi si Duque bilang board member.

Ang kalihim ay ex-officio chairman ng PhilHealth board of directors.

Giit pa ng senador, ito ay simula pa lamang ng isinasagawang imbestigasyon hindi lamang kay Duque.

TAGS: Building, conflict of interest, lease contract, may-ari, nirerentahan, pangasinan, philhealth, Senador Panfilo "Ping" Lacson, Building, conflict of interest, lease contract, may-ari, nirerentahan, pangasinan, philhealth, Senador Panfilo "Ping" Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.