Most wanted person sa Malabon arestado

QCPD photo

Arestado na ang most wanted person ng Malabon City Police matapos ang isinagawang operasyon laban dito Miyerkules ng hapon.

Nahuli ang suspek na si Siatrez Resty, 46-anyos, isang construction worker at residente ng Barangay Hulong Duhat, Malabon City.

Si Resty ay may warrant of arrest sa kasong Murder.

Ayon sa Malabon City Police, nakatanggap sila ng ng impormasyon sa tinitirahan ng suspek at agad naman nila itong pinuntahan, dahilan para mahuli ito.

Hindi naman nanlaban ang suspek at mahinahon itong sumama sa mga arresting officer ng Malabon Police.

Nakakulong na ang suspek sa Custodial Facility ng Malabon Police.

 

Read more...