Panelo: Chinese crew na sangkot sa Recto Bank incident pwedeng kasuhan sa bansa

By Chona Yu June 19, 2019 - 07:18 PM

Reckless imprudence resulting in damage to property ang maaring kaharapin ng mga Chinese crew na bumangga sa Bangka ng mga Pinoy na mangingisda sa Recto Bank.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay kung mapatutunayan na sinadya ng Chinese crew ang pagsalpok sa bangka ng mga Filipino.

Paliwanag ni Panelo, maaring isampa ang kaso sa Mindoro dahil sa teritoryo ng Pilipinas naganap ang insidente.

Gayunman, ang opisyal na hindi maaring papuntahin sa bansa ang Chinese crew para sumailalim sa paglilitis.

Sa ilalim kasi aniya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kinakailangan na sa China manggaling ang pagsasampa ng kaso at sila ang nararapat na magbigay ng parusa.

TAGS: China, Malacañang, Mindoro, panelo, Recto Bank, China, Malacañang, Mindoro, panelo, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.