Lacson underpass sa Maynila bubuksan na 24-oras

By Clarize Austria June 19, 2019 - 07:10 PM

Inquirer photo

Mananatili nang bukas sa publiko ang Lacson underpass sa lungsod ng Maynila simula June 25.

Ito ay matapos ianunsyo ng isang shopping mall na namamahala sa underpass na bubuksan nila ang lahat ng lagusan, 24-oras araw-araw.

Sa ngayon ay nadaraanan lamang ito ng mga tao simula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi na siya namang itinakda ng naturang shopping mall.

Matatandaang nangako si mayor-elect Isko Moreno na maibabalik at madaraan muli ang underpass ng publiko noong June 17 sa isang pulong balitaan.

Ang Lacson underpass ay isa sa pinaka kilalang lagusan sa lungsod ng Maynila na nagsisilbing daanan papunta at palabas ng simbahan ng Quiapo na tumatawid sa Quezon Boulevard.

TAGS: Isko Moreno, lacson underpass, manila, Mayor, quiapo, Isko Moreno, lacson underpass, manila, Mayor, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.