DFA: Walang Pinoy na nasaktan sa malakas na lindol sa Japan
Nakatutok ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kondisyon ng mga Filipinong nananatili sa mga apektadong lugar ng magnitude 6.8 na lindol sa Northwestern Japan.
Sa inilabas na pahayag, magkatuwang ang Philippine Embassy sa Tokyo at Philippine Consulate General sa Osaka sa pagtutok sa sitwasyon sa lugar.
Sinabi ng kagawaran na handa ang embahada na assistihan ang mga Filipinong nangangailangan ng tulong.
Sa datos ng embahada, nasa 815 ang rehistradong Pinoy na nakatira sa Yamagata Prefecture.
Sinabi pa ng DFA na naglabas ng tsunami alert ang Japan Meteorological Agency (JMA) sa Yamagata Prefecture at karagatang sakop ng Niigata at Ishikawa Prefectures.
Nag-abiso rin ang kagawaran na sinuspinde ang serbisyo ng tren at walang kuryente ang ilang kabahayan matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.