Ito ay matapos sumailalim si Garcia sa Electroencephalogram o EEG test na ginagawa para makita ang electrical activity sa utak ng isang tao.
Ayon naman kay Dr. Regina Macalintal-Canlas, nananatiling kritikal ang kondisyon at nakadepende pa rin ang aktor sa ventilator upang makahinga.
Tuluy-tuloy din ang pagbibigay ng medikasyon upang suportahan ang presyon ni Garcia.
Simula naman noong isang araw ay pinalilimitahan na ng mga doktor ang bisita para maiwasan anila ang anumang kumplikasyon.
Matatandaang isinugod si Garcia sa ospital noong June 8 matapos maaksidente habang nasa taping para sa isang teleserye sa Maynila.