Eddie Garcia kinakitaan ng ‘minimal brain activity’

By Clarize Austria June 19, 2019 - 04:00 PM

Lumitaw sa pinakahuling resulta ng ginawang test sa batikang aktor na si Eddie Garcia na mayroon itong ‘minimal brain activity’

Ito ay matapos sumailalim si Garcia sa Electroencephalogram o EEG test na ginagawa para makita ang electrical activity sa utak ng isang tao.

Ayon naman kay Dr. Regina Macalintal-Canlas, nananatiling kritikal ang kondisyon at nakadepende pa rin ang aktor sa ventilator upang makahinga.

Tuluy-tuloy din ang pagbibigay ng medikasyon upang suportahan ang presyon ni Garcia.

Simula naman noong isang araw ay pinalilimitahan na ng mga doktor ang bisita para maiwasan anila ang anumang kumplikasyon.

Matatandaang isinugod si Garcia sa ospital noong June 8 matapos maaksidente habang nasa taping para sa isang teleserye sa Maynila.

TAGS: actor, comatose, eddie garcia, makatimedical center, spine injury, actor, comatose, eddie garcia, makatimedical center, spine injury

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.