Bumaba nang 56.8 percent ang bilang ng carnapping incident sa bansa ngayong buwan ng Mayo, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP, nakapagtala ng labing-siyam na carnapping incident hanggang sa Mayo ngayong taon.
Mas mababa ito kumpara sa apatnapu’t apat na kaso sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Walang naitalang kaso sa bahagi ng Police Regional Office 1, 2, 4A, 5, 6, 8, 9, 11, 13 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Binati naman ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde ang PNP Highway Patrol Group sa pangunguna ni Brig. Gen Roberto Fajardo para sa pagbaba ng kaso ng pagnanakaw ng kotse.
Sinabi ng PNP na nag-ugat ang pagbaba nito sa tulong ng crackdown ng HPG laban sa mga carnapping syndicate sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.