Hinihinalang suicide bomber arestado ng BI

By Ricky Brozas June 19, 2019 - 12:14 PM

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa Pakistani national na pinaghihinalaang suicide bomber.

Ayon sa BI, ang Pakistani na si Waqar Ahmad, 36 anyos, ay miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group.

Si Ahmad ay naaresto sa Zamboanga City matapos ang puspusang surveillance sa kanya ng PNP Intelligence Group.

Ang nasabing Pakistani terrorist ay nakatakda sanang makipagkita sa isang mataas na opisyal ng Abu Sayyaf para planuhin ang serye ng suicide bombings sa Basilan.

Nabatid na nilabag din ni Ahmad ang Philippine Immigration Laws dahil sa iligal na pagtatrabaho sa bansa partikular sa appliance center ng kanyang tiyuhing Pakistani sa Zamboanga, nang walang employment permit.

Nakatakda siyang ipadeport ng BI at hindi na rin siya makakabalik ng bansa matapos ilagay sa immigration blacklist.

TAGS: pakistani national, Radyo Inquirer, terrorist, pakistani national, Radyo Inquirer, terrorist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.