Security guard patay sa saksak sa clearing operation sa Bacoor City, Cavite

By Jimmy Tamayo June 19, 2019 - 11:49 AM

Patay ang isang security guard habang lima ang sugatan nang mauwi sa gulo ang clearing operations sa mga informal settlers sa Sitio Malipay, Molino IV sa Bacoor City, Cavite Martes (June 18) ng umaga.

Sinabi ni Bacoor City Police chief, Colonel Vicente Cabatingan, patay sa saksak ang hindi kinilalang security guard habang inaalam pa rin nila ang pagkakakilanlan sa mga nasugatan.

Sa inisyal na ulat, nagkainitan ang demolition team at ang nakatira sa lugar na nauwi sa gulo.

Nabatid na alas-3:30 ng madaling araw ng dumating ang mga bulldozer at grupo ng mga security personnel.

Bandan alas-8:00 ng umaga nang sumiklab ang tension na nauwi sa engkwentro ng magkabilang panig.

TAGS: bacoor city, cavite, clearing operations, demolition, Radyo Inquirer, stabbing, bacoor city, cavite, clearing operations, demolition, Radyo Inquirer, stabbing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.